Friday, May 29, 2015


Ang tagal kong nakulong sa paniniwalang maibabalik pa ang ating samahan. Ang tagal kong nakulong sa paghihintay na balang araw, babalik ka kaibigan ko. Pero ngayon ko lang, natanggap talaga. Ngayon ko lang naintindihan na hindi panghabangbuhay ang pagkakaibiganan natin, at sadyang hanggang doon na lamang. Ngunit aking pasalamat dahil kahit sa loob ng anim na taon, natutunan ko mas hanapin ang Panginoon, dahil yun yong tinuro mo sa akin. Patuloy kong idadalangin ang iyong kaligayahan. Subalit, ako ay sana mapatawad mo, sapagkat, hindi ko kayang itigal ang mahalin ka. Patuloy pa rin akong mananalangin sa Dyos na bantayan ka at wag ka hayaang mawala sa Kanya, panalangin na kahit anong mangyari, hindi ka titigil magsamba sa Kanya. Matalik kong kaibigan, nandito parin ako, best prayer buddy mo. :)

No comments:

Post a Comment