Hanggang kailan ba ‘ko tatahimik?
Hanggang kailan ako di iimik?
Hanggang kailan ako ganito
Na para bang walang ginawa si Kristo sa buhay ko?
O bakit kay hirap itago ang tunay na nararamdaman?
Kahit na alam ko sa loob ko’y ako’y may magagawa.
Ngunit sa puntong ito, hindi ko kayang magsalita.
Sigurado ako sa sarili ko
Hindi ako natatakot aminin ang totoo.
Hanggang kailan nga ba ako tatahimik?
Hanggang kailan nga ba ako di iimik?
Hindi mo malalaman hangga’t di ko sasabihin
Mga bagay na matagal ko ng mithiin.
Sanay marinig mo
Kahit na, tumatahimik lang ako
Kahit na, tumatahimik lang ako.